Rakiterong
Paraluman

PROFILE:
Name: Augustus Laya L. Ybañez
Date of Birth: October 10, 2000
Zodiac Sign (Sun): Libra
Place of Birth: Santa Barbara, Iba Zambales
Gender: Male
Sexual Identity: Heterosexual
Pronouns: He/Him/They/Them
BONUS FACTS:
Father: Arthuro Andres R. Ybañez
Mother: Felicidad Luisita B. Lopez
Sibling/s: Enero Agila L. Ybañez
Aunt: Cynthia Soledad B. Lopez
Current Course: BS in Accountancy
Dream Course: Graphic Design
Nicknames:
August
Aly/Ally (his initials)
Freeman (was given to him by a BB Captain)
Otso (august is the 8th month of the year)
HISTORY:
Name history: The name Augustus was given by his father’s late twin brother (Caesar Andres R. Ybañez) while the name Laya was given by his mother for she has always believed that her son has the ability to free himself from any difficulty he is bound to face.
Username history: The reason behind his username (@ahundredfifty) is that 150 php is the lowest price he charges his customers for their academic handouts. It was also his starting price when he just started off his business. Meanwhile, the private username (@hbwhandouts) was simply one of his services. He sells pens and handouts.
DETAILED JOB INFO:
August has always had various jobs since grade school. He has always worked on the sidelines to provide his extra needs and wants. Here are the lists of his services including the charges for it.
Acads
Handouts - 150 every two chapters
Essay - 50 per page
Plates - depending on the materials used
Lectures - 500
Tutor - 150 per hour
PPT - 200 per five slides
Ballpens:
HBW - 10 pesos
Panda - 12 pesos
Gel pen - 15 pesos
Red pen - 15 pesos
Other services:
Load - usual prices (Smart and Globe only)
Choreography:
Doxology - 250 for choreo plus 500 for two days teaching
Zumba - 150 for choreo, 500 for three days teaching
BACKSTORY:
Walong taong gulang lamang noon si Augustus nang makita niya kung gaano kahirap ang mag-aral ng walang kagamitan dahil sa kakulangan ng pera. Labis niyang dinibdib iyon kung kaya’t nagpasya siya na umalam ng paraan upang kumita ng pera. Nagsimula siya sa pagdidilig ng halaman ng matandang dalaga nilang kapitbahay. Halagang dalawampu ang bayad nito sa kanya kung kaya’t nagkaroon siya ng sariling pambili ng mga kinakailangan sa eskwela at kung minsan ay nag-aabot pa sa ina na tanging pagtitinda lang ng gulay ang trabaho habang ang ama ay isang panadero.
Nang patuntong na siya ng kolehiyo ay biglang nagkasakit ng malubha ang kanyang ama kung kaya’t pinaki-usapan siya ng ina na tumigil na lang sa pag-aaral at magtrabaho para makatulong sa gastusin sa bahay at sa ama na may sakit. Hindi siya sumang-ayon dito kung kaya’t nagkaroon sila ng alitan ng ina. Dahil dito ay nagpasya si Augustus na makiusap sa tiyahin niyang nasa maynila na makitira roon. Sinubukang tumanggi ng tiyahin niya sa pag-aakalang nais niyang makipagsapalaran sa maynila para kumita ng pera ngunit agad niyang nilinaw sa tiyahin na naroon siya para mag-aral at nakatanggap din siya ng libreng paaral sa isa sa pinaka kilala at magandang paaralan na itinayo roon.
Nang malaman ito ng tiyahin ay agad niyang inasikaso ang pamangkin at lumapit sa kanyang amo na si Morgann Isidore Zamora para makahingi ng kaunting tulong para sa kanyang pamangkin. Dumating si Augustus sa maynila na tanging isang maletang puno ng damit lamang ang dala. Sa pagtira niya sa tiyahin ay agad niyang napansin kung gaano kalaki ang agwat ng gastusin sa siyudad kaysa noong nasa probinsya pa siya. May ibinibigay man sa kanyang pera ang nagpapa-aral s kanya ay hindi iyon sapat lalo pa’t pataas ng pataas ang gastusin. Nagdesisyon siyang magtayo ng maliit na negosyo sa loob ng paaralan, Ibinenta niya ang husay, sipag, at oras sa mga mag-aaral na tamad.
Kung tutuusin ay ayos na siya. Libre ang pag-aaral at natutustusan ang sarili sa pagkayod pero hindi pa rin siya nakakapagpadala panggastusin ng ama, ina, at kapatid sumabay pa ang kagustuhan niyang lumipat ng kurso sa kagustuhang ipagpatuloy ang propesyon kung nasaan ang kanyang pasyon. Ang pagguhit. Kung hindi lamang ibang tao ang nagbabayad ng kanyang pag-aaral ay matagal na siyang lumipat ng kurso ngunit hindi ganoon ang buhay.
Nagdesisyon ang binata na magtanong-tanong kung saan maaaring magtrabaho hanggang sa isa sa mga kliyente niya ang umaya sa kanyang magtrabaho sa isang ‘tattoo shop’. Desperadong magamit ang husay sa pagguhit, pumayag siya at namasukan muna bilang ‘sketch artist’ ngunit kalaunan ay naging gamay niya rin ang pagguhit gamit ang karayom.
Sa ngayon, bukod sa ‘di mabilang na raket ni Augustus ay abala rin siyang alamin ang daang tatahakin sa buhay. Dahil sa sitwasyong oras ng mundo ang iyong kalaban, gaano kalaking halaga ang handa mong ibigay para tuparin ang ‘iyong mga pangarap?